Vanessa Shares Her Most Unforgettable Date

 

 

Here is her answer.

fac

Excerpt from DIARY NG CHUBBY BOOK 1 by Vanessa:

Humahanap ako ng kahit kaunting pagkakahawig sa picture niya sa Facebook ngunit wala akong makita. Sa Facebook, may hitsura siya hindi man sabihing guwapo. Sa personal? Isang tagihawat na lang ang hindi pumipirma at puwede nang mag-orbit ang mukha niya sa space. Kahit ako, nagka-acne at walang kaso sa akin `yon, kung hindi lang sana siya mukhang pagkadumi-dumi. Oily na ang face, pati ba naman ang hair? Parang grasa ang inilagay sa buhok at hindi gel. Puwede na rin siguro, kung hindi lang halatang nagpa-straight siya ng buhok—na kapag humiga siya sa sahig, puwede nang mapagkamalang walis. Nakuha pang magpa-long hair, mukha na ngang mabaho. At hindi lang siya long hair sa ulo, long hair din siya sa ilong!

Gosh! Bakit may nakasilip na hair sa kaliwang butas ng ilong niya? Ang laki ng ilong, ang kapal ng mga labi, at medyo duling pa. Ang batok at mga siko, huwag tatabi sa kalan at baka mapagkamalang uling. Juice ko, ano ba `to?

“Cute ka, ha?” sabi niya, nilaro-laro ang susing hawak. Susi siguro ng kotse, hindi ko alam. Ngumiti ako, kahit paano. Noon niya ginawa ang hindi ko inaasahan—itinaas niya ang susi, ipinasok ang dulo niyon sa kanyang tainga. Eeew! Ginawang pangkayod ng tutuli ang susi! At ngayon ko napansin, mahaba ang kuko niya sa hinliliit. As in sa hinliliit lang mahaba ang kuko niya.

Utang-na-loob. Desperada ako, oo. Pero hindi ganito katindi.

“Sino `yong picture na nasa Facebook?” tanong ko.

“Ah, `yon? Tropa ko.”

“Hindi mo naalalang sabihin sa akin na hindi ikaw `yon?”

“Hindi ko ba nabanggit? Pasensiya na. Ano, kain tayo? Treat kita.”

“Nagmamadali rin kasi ako, so siguro, mauna na rin ako,” paalam ko.

“Sobra ka naman. Galing pa akong QC. Ang layo nitong MOA. Kain na muna tayo.”

Dahil first time kong makipag-date, naisip kong may point si Jared. Pinapunta ko siya sa MOA kahit taga-QC siya kaya sige, tutal, iti-treat naman daw niya ako.

Hindi ko inasahan na dadalhin niya ako sa sikat na restaurant. Sa totoo lang, inasahan ko nang ako ang pagbabayarin niya dahil mukhang wala siyang budget, pero noong natapos kaming kumain, naglabas siya ng credit card. Nagyaya siyang mamasyal sa Island Cove, malapit lang naman daw.

“Naku, masyado nang gagabihin, Jared,” tanggi ko.

“Ikaw naman. Minsan lang naman. Sige na. Maganda do’n. Saka makakapag-relax tayo, tutal Sabado naman, eh. Isa pa, parang crush kita, eh. Ihahatid kita pauwi, promise.”

Dahil ba sa sinabi niya na hindi ko pa naririnig mula sa iba kaya bigla akong napa-oo? Siguro. Alam ko kasi kung paano magka-crush sa isang tao, `tapos hindi susuklian ng taong `yon ang feelings ko. Hindi naman sa kailangan na lahat ng magustuhan mo ay magustuhan ka rin, pero hindi masama ang kaunting ngiti. Ayokong maging tipo ng taong hindi man lang bibigyan ng importansiya ang ganoon. Kaya ko namang pagtiisan ang mukha ni Jared na oily, so go na rin, tutal first and last ito.

To be fair, maganda ang sasakyan ni Jared. Montero. Mukhang big time siya. Ang sabi niya, nasa car business daw siya. Puwede. Papasa siyang mekaniko. Puro grasa na nga siya sa buhok. Nagpunta kami sa Island Cove. Masaya naman ang biyahe, saglit din lang dahil walang heavy traffic.

Sa Island Cove, pumuwesto kami sa isang maliit na kubo sa gitna ng tubig ng Manila Bay. Medyo busog pa ako pero um-order siya ng food. Sayang naman kung tititigan lang, `di ba? Medyo natigilan at nakahalata lang ako nang umisod siya palapit sa akin, eh, ang laki-laki ng space.

Seriously, Axe ba ang gamit niyang pabango?!

“Alam mo, cute ka talaga, “ sabi niya, nakangiti.

Nailang ako. Okay palang marinig for the first time, pero kapag second time na, `tapos mayroong “some kinda fishy” na ngiti sa chakang mukha ng nagsalita? Medyo nakakailang pala. Parang nagkamali ako ng diskarte.

“Thank you,” sabi ko.

“Sige, kain pa nang kain.”

Tumango lang ako at sumubo. Aba, teka muna. Ang braso ng chaka, umaakbay na sa akin.

Rule number one: Kapag ang mataba ay kumakain, `wag mong hawakan, `wag mong istorbohin. Rule number two: Kahit anong hilig namin sa pagkain, nawawalang-gana rin kung may chakang aakbay.

Umisod ako. Umisod din siya. Patawarin. Ito ba ang tinawag na “da moves”? Matagal ko itong pinangarap. Matagal akong nag-daydream na may isang lalaking aakbay sa akin. Pero kahit anong pangangarap ko nang gising, hindi ko na-imagine na ganito ka-chaka ang yayakap sa akin.

Hinawakan ko ang braso ni Jared, tinapik nang bahagya para hindi ma-offend, saka tinanggal palayo sa balikat ko. Kinamot niya ng mahiwagang kuko sa hinliliit ang kanyang pisngi. `Kadiri talaga. “Alam mo, Yuli, pihikan ako sa babae.”

`Di nga? Hitsura mong `yan, nakuha mo pang maging pihikan?

Dumapo ang palad niya na mamasa-masa sa pata ko. Sinvergüenza! Naka-miniskirt pa naman ako! “Alam mo, Yuli—”

“`Yong kamay mo, please,” sabi ko, inalis ang kamay niya. Ano siya, chakang hilo?

Tumawa si Jared. “`Yan ang gusto ko sa babae, `yong pakipot.”

Utang-na-loob, kinakabahan na ako! “Hindi ako ganoong klaseng babae, Jared.”

“Kaya nga gusto kita. Cute na, tulad ko pang pihikan.”

Hindi ako pihikan. Nagkataon lang na mayro’n akong kaunting taste.

“Maraming nagtatanong sa akin kung bakit daw hindi pa ako lumagay sa tahimik. Ano pa raw ba ang hinihintay ko, eh, isteyvols na ako.”

“Isteyvols ka na, ha?”

“Oo. Totoo `yon. Bago ako naging ganito, nag-seaman ako. Pag-uwi ko, marami na akong pera.”

Parang babagyo? `Lakas ng hangin. “Maganda `yan, Jared.”

“Pero wala akong magustuhan, kasi nga pihikan ako. Pero ikaw, talagang ayos ka sa akin. Alam mo, maganda ka talaga sana, mataba ka lang.”

`Ayun. Mismong-mismo. Ang mga salitang hindi ko alam kung sino ang nagpauso. Maganda ka SANA, mataba ka NGA LANG. Bawas puntos agad `pag mataba?

“Pero `pag ako ang naging boyfriend mo, papayat ka agad sa akin.”

“Sa konsumisyon,” bulong ko.

Narinig ni “Chaka.” “Hindi. Gabi-gabi tayong mag-e-exercise.”

Ansave?! Kinilabutan ako. As in, tumayo ang balahibo ko sa katawan. Chaka na, bastos pa. Tumayo na ako. “Sorry, Jared, ha? Pero ayoko ng mga ganitong usapan.”

“`Sus. Pareho na tayong nasa edad. Walang problema. Relax lang.”

“Hindi ako mare-relax sa takbo ng usapan natin, Jared.”

“Ikaw naman.” Hinagod niya ang braso ko, mula itaas hanggang sa kamay.

Tumalikod na ako. Wala akong balak magtagal at baka mayamaya, para na akong tinapay na nilalapirot ng chakang ito.

“Hoy!” tawag niya. Hindi ko siya pinansin. “Ang yabang mo, taba!”

Bigla akong pumihit. “Ano’ng sabi mo?!”

“Pasalamat ka pinatulan pa kita, eh. Sino pa ba ang ibang magde-date sa `yo? Marami d’yang lima singko, sexy pa. Eh, ikaw? `Laki na ng gastos ko sa `yo, lakas mong kumain, `tapos ganyan ka?”

Hindi ko matanggap na isang lalaking may ganoon kasagwang mukha ang magsasalita sa akin sa ganoong paraan. Lumapit ako sa mesa, kinuha ang bowl ng sinigang sa miso, saka ibinuhos sa kanya. Sinvergüenza! Galit na galit ako. Pero nagalit din ang chaka. Bigla siyang tumayo, saka pumorma ng sugod.

Natakot ang mataba. Lalaki pa rin siya at kayang-kaya akong bugbugin. Napatakbo ako, tinawid ang mga kawayang daan. Nagmumura siya sa likod ko kaya alam kong malapit na niya akong maabutan. May nakita akong waiter, kung bakit hindi ko tinawag. Nakatakbo na ako palabas ng restaurant, saka ko naalalang puwede pala akong humingi ng saklolo.

vanessa-diary-ng-chubby

Ms Vanessa’s Notes.

I had a few terrible dating experiences back in day. This scene was inspired by a combination of them. I had two dates in the same location. One of them I ended up paying for!

Tungkol naman sa pagkamanyak, I remember meeting someone (with a friend) in Alabang. To be fair, it was not really a date but the man (he wasn’t bad looking) started to be a perv to both me and my friend and we were both “chubby”! Imagine a Korean-looking guy inviting two fat girls to do it! As in sabay pa daw! Nakaupo ako sa tapat nitong lalaki, habang minalas ang kaibigan kong mapaupo sa tabi niya. Nagkatinginan kami ng kaibigan ko, sabay nagsimula nang mag-goodbye. Friend ko ang sinimulan niyang akbayan, at ang friend ko, pasimple siyang binalya. Hinabol kami ni guy hanggang sa daan. We declined his offer again and again. Pero parang feeling niya walang mali sa offer niya. Nakakaloka.

To this day, naalala ko ang suot ng guy kahit medyo di ko na maalala ang face niya, just that looked Korean and could’ve been cute, if it weren’t for the fact that he was a perv. Yikes.

 


“What is your favorite date scene from the novels you’ve written?”

We asked this to our favorite writers and as part of our Valentine Month celebration, we will be posting their answers here. Watch out for our next writers who will share their experience.


Leave a Reply

%d bloggers like this: