Three Dates with Dawn Igloria

One inside the car, the other one in Liberty Park and the third one was with a flash mob, here are Dawn Igloria’s three favorite date scenes.

dawn-igloria-my-lovely-bride 

My Lovely Bride 167 Mirian & Francis

CAR scene ito nina Mirian at Francis na kagagaling lang sa honeymoon matapos ang kanilang marriage of convenience. Masama ang loob ni Francis sa sinabi ni Mirian na maghiwalay na lang sila ng tirahan. Kaya hindi siya kinikibo nito.

“Francis,” sabi ni Mirian nang hindi na siya makatiis, “puwede ka namang matulog sa amin during weekdays. Puwede pa rin tayong magtabi. At kung papayag ka, I can stay at your place during weekends.”

Biglang nagpreno si Francis. Galit na itinabi nito ang sasakyan. Puno ng hinanakit na tiningnan siya nito. “Do you think katawan mo lang ang habol ko nang pakasalan kita?”

“A-alam ko naman na hindi.”

“You’re right because I want all! Hindi kapirasong laman lang! Hindi ilang oras! Ang buong ikaw ang kailangan ko…!” Sandaling tumigil ito para kalmahin ang sarili. Mababa na ang boses nito nang muling magsalita, puno ng desperasyon ang mga mata. “Because I want to share with you my all, too. Gusto kong maging bahagi ng mga iniisip mo, ng mga pangarap mo… pati na ng mga takot mo. Ganoon ang pagmamahal, Mirian.”

 

Phr 4147 A Walk To Forever

ANG PREMISE ng scene na ito ay sinusubukang bumawi ni Joshua sa lahat ng heartbreaks na naibigay niya sa best friend at secret love na si Knicole.

Nagsimula ang scene sa pinuntahan ni Knicole na book signing. Nakita niya roon si Joshua na nagpapapirma ng mga pocketbooks sa mga paborito niyang authors. Sa huli, nagpapirma ito at nakipag-usap pa sa pinakapaborito niyang manunulat na si Armea Virata.

Nagulat silang lahat nang magsalita si Armea sa microphone. “Knicole, nasaan ka man sa gitna ng mga taong naririto, sana pakinggan mo ito: Sagutin mo na si Joshua.”

Naghiyawan ang mga tao at dumagundong sa ingay ang venue. Nagtago naman si Knicole sa gitna ng makapal na mga tao.

“True love comes only once. Kaya Knicole, huwag mo nang palampasin ang pagkakataon, patawarin mo na si Joshua.”

Biglang narinig ni Knicole ang isang magandang boses na kumakanta ng kantang Pinakamamahal ni Aiza Seguerra. At isa-isa nang naglabasan at nagsikanta ang flash mob hanggang isang boses na lang ang nangibabaw sa huling line ng kanta.

Si Joshua ang kumakanta. Nagulat na lang si Knicole nang hawakan siya nito at makita na magkatabi na pala sila. Natunton nito ang kinaroroonan niya!

“Pinakamatamis na pag-ibig ay ikaw… Ikaw ang natagpuan ng puso kong di naligaw.”

dawn-igloria-adams-sassy-girl

Phr 5466 Adam’s Sassy Girl:

SPRING time ang eksenang ito na nangyari sa Liberty Park, Jersey City.

Yumapos sa baywang ni Adam si Kimi.  “Ang sarap mo yakapin.” Inilapit nito ang mukha sa leeg ni Adam. “Ang bangu-bango mo pa.” Ipinasok ni Kimi ang mga kamay sa ilalim ng shirt niya hanggang dumantay ang mga iyon sa kanyang balat. Pinisil pa nito ang tagiliran niya. “Pahiram ng body heat mo, ha?”

Kahit malamig ay biglang pinagpawisan si Adam. Hindi na siya nakatiis. Niyuko niya ito at akmang hahalikan nang biglang humarang ang palad ni Kimi.

“Wait lang,” sabi nito. “Bago tayo pumunta diyan, dapat may preliminaries muna.” Tumalikod si Kimi. Pakapang kinuha ang mga braso niya para iyakap sa katawan nito. “Ipatong mo ang mukha mo sa balikat ko.” Sumunod naman si Adam. “Tandaan mo, kapag nagka-girlfriend ka, ganitong posisyon ang gusto namin kapag nilalambing kami. Mas gusto namin na hinahalikan sa kamay.” Hinalikan ni Kimi ang likod ng kamay niya bilang demo.

Pagharap ng dalaga ay nakita ni Adam ang kislap sa mga mata ni Kimi na parang pinipigilan lang na mapaiyak. It made her even more beautiful.

“Gusto din namin na hinahaplos sa ulo, hinahalikan sa temple, sa tuktok ng ilong… Pero ang mas magpapakilig sa amin, ‘yong hahawakan kami sa baba, tititigan kami sa mga mata at sasabihan na: ‘Before I let you go, I just want to say I love you.’” Kumindat si Kimi sa kanya at biglang kumalas.

“Teka—”

Tinapik ni Kimi si Adam sa pisngi. “’Bye, Prince Adam. Gudlak sa paghahanap mo ng susunod na prinsesa. Baka hindi na tayo magkita. Flight ko na bukas.” Tumalikod na ito at naglakad palayo.


“What is your favorite date scene from the novels you’ve written?”

We asked this to our favorite writers and as part of our Valentine Month celebration, we will be posting their answers here. Watch out for our next writers who will share their experience.


Dawn Igloria is a Precious Hearts Romances’ writer since 2000. She has written several single titles and some series including “My Love, My Hero” and “My Lovely Bride.” Her single Isla Sanctuario was adapted into TV, Paraiso starring Jessy Mendiola and Matteo Guidicelli.

Leave a Reply

%d bloggers like this: