PHR Romance Novel Writing Workshop Experience
By Hanzel
Do you have a complete and vivid romance story on your mind but can’t seem to write the words down?
Isa ito sa mga madalas na problema ng mga manunulat na siya ring nagiging dahilan kung bakit ang mga kuwento sa ating isipan ay nananatiling mga ideya na lamang. Ngunit kung nangangarap kayong maging isang ganap na libro ang inyong istorya, isang solusyon ang pagsabak sa mga writing workshops na siyang huhubog at tutulong na maisakatuparan ang pangarap na maging sikat na manunulat.
Noong May 13-14, 2017 ay inilunsad ng Precious Hearts Romances ang taunang Romance Novel Writing Workshop na dinadaluhan ng ilang published writers at mga gustong maging romance writers mula sa iba’t-ibang parte ng bansa. Sa taong ito, humigit kumulang 70 participants ang nakapasa sa diagnostic test na isinasagawa para piliin kung sino-sino ang mga tanging makakadalo sa naturang workshop.
Maaga pa lamang ay kumpulan na ang mga participant sa Precious Events Center sa fourth floor ng bagong building ng Precious Pages Corporation sa Sto. Domingo Avenue, Quezon City. Habang hinihintay ang iba, isa-isa silang nagpakilala at inilahad ang dahilan kung bakit sila sumali sa workshop. Ilang mga katanungan ang agad lumutang:
- Paano ko tatapusin ang nasimulang kuwento?
- Ano ba ng POV na dapat kong gamitin?
- Ano-ano ba ng mga paraan para maging maganda ang isinusulat kong kuwento?
Nagsimula ang unang session sa pagtalakay ni Ms. Edith Garcia, PHR Editor-in-Chief, ang mga topics na: Writing a Romance Novel kung saan sinabi niya, “by the end of the book, the hero and heroine should be ready to commit—the required happy ending.” Sinabi rin niya na, “in a well-written story, the question is not what happens next, but WHY do things happen as they do.”
Sumunod na lecturer si Mr. Abet Cruz, Creative Assistant ng ABS-CBN, at diniscuss ang Plot Diagram at Characters, at may active participation ang lahat. Bawat isa ay bumuo ng kani-kaniyang tauhan base sa ibinigay na stock characters. He also gave a lot of activities that stimulated the creative imaginations of the writers and prompted them to write.
Bago matapos ang unang session, nagbigay ng speech ang premyadong author na si Rose Tan at inilahad niya ang totoong buhay ng mga manunulat at nagbigay rin siya ng ibang tips para makatapos ng isang nobela.
Natuto naman silang magsulat ng teaser sa huling araw ng workshop. A teaser-critiquing session followed and everyone read out what they wrote for Ms. Edith and the rest of the PHR editors to comment on and suggest revisions. Nang matapos ang huling topic na Tips for Writing a Romance Novel, nagbigay ng ilang writer’s ethics si Mr. Jun Matias, ang presidente at publisher ng Precious Pages Corporations. Sinagot niya rin ang ilang katanungan ng mga participant tungkol sa mga patakaran ng kumpanya sa publishing at printing ng mga libro.
Bago maghiwa-hiwalay, nagpa-picture ang buong grupo kasama si Ms. Edith at Mr. Jun Matias.
Napakalaki ng naitulong ng PHR Writing Workshop sa mga writers na sumali dahil nasagot ng event ang mga katanungan na matagal nang pumipigil sa pagtapos ng kanilang mga manuscripts. Balang araw, siguradong isa sa kanilang mga pangalan ang susunod na mailalagay sa mga bookstores nationwide.
hello…I have already a ms any idea where I can send this?