THE 3rd BE A PART OF THE EDITORIAL BOARD FOR A DAY

THE 3rd BE A PART OF THE EDITORIAL BOARD FOR A DAY: JULY 8, 2017

Editorial Board For A Day

Will you recommend this story to your friends? Did you fall in love with the hero? Did you care for the heroine? Is the story worth reading? Hindi ba sayang ang Php 42 or 45 mo? Hindi ka ba nakahinga sa kilig?

Kung “yes” ang lahat ng sagot sa mga tanong na nabanggit. Pass your papers. Approved ang manuscript. Maganda, pasado ang kuwento. Congratulations sa writer!

July 8, 2017—ang date na pinili ng Precious Pages Corp na bigyan ang mga readers ng pagkakataong makasama sa pangatlong “Be a Part of the Editorial Board for a Day”. Kung saan puwede kang magbasa ng mga raw manuscripts na pinasa ng mga aspiring writers, mag-QA, mag-comment at mag-express ng feeling kung hindi pasado sa iyong taste ang mga kwento.

Bukod  sa nabanggit sa itaas, ano-ano pa ba ang ibang guidelines para masabing “approved” o “return” ang isang manuscript? As what Ms. Edith Garcia, Editor-in-chief of PHR, had discussed:

  • Plot of the story. Halos lahat na ata ng plot sa mundo nagamit na sa pagsulat. Poor girl meets rich guy, you and me against the world at kung ano-ano pa. Pero may isang tanong pa rin tayong naitatanong bilang reader, “Naitawid ba nang maaayos?, May bagong twist ba?”
  • Would you recommend this story to your friends? May isang nagsabing, “No, dahil mataas ang standards nila.” Kung highly recommended ang story at tingin mo’y babasahin ito ng mga friends mo kahit enemies mo pa, eh, de approved!
  • Chemistry between the characters. This is important. Nagbabasa ang isang tao ng isang romance novel para kiligin, maniwala uli sa love at ma-in love.

After the reading, isa-isang idiniscuss ang mga na-assign na manuscript per group. May mga kinilig, may approved, pero mayroon din namang nainis at hindi nagustuhan ang kanilang binasa.

Over all, the event was exciting. (Aside from the free food  and pocketbook J) May chance ang bawat isa na i-voice out ang mga comments nila sa isang nobela. Nakatulong din ito para bigyan ng tips ang mga aspiring writers na um-attend kung sakaling sila na ang magpapasa ng sariling manuscript, soon.

The question is the same.

Will you recommend your story to your friends? Did you fall in love with your hero? Did you care for your heroine? Is the story worth reading? Hindi ba sayang ang Php 42 or 45 mo? Hindi ka ba nakahinga sa kilig? Naitawid ba ang plot?

Kung ang sagot ay “yes”. Congratulations! Approved ang nobela mo.

 

 

 

 

 

Leave a Reply

%d bloggers like this: