Kung minsan, parang itinadhana ang pagkakakilala ng dalawang tao, kung minsan naman ay parang kontra ang tadhana dito.
Paano kung isa kang babaeng dumaan na sa lahat ng bagay na inaasahan sa`yo ng mundo at higit pa?
Paano kung sa kabila ng lahat ng ito, alam mo sa sariling mayroong kulang?
Paano kung na-realize mo na ginawa mo kung ano ang inaasahan ng lahat sa `yo pero hindi kung ano ang mismong gusto mo?
What if you worked hard building the perfect life, no matter how tough it had been, only for it to crumble down?
What if you meet a young gentleman and find yourself feeling more alive than you have ever been your entire life? What if you fall in love hard at a time when you’re not supposed to and to someone who has the whole world to see and experience?

MAY-DECEMBER LOVE AFFAIR
Ang Mayo ay tagsibol, ang Disyembre ay taglamig. Isang lalaking kasisibol pa lang, isang babaeng dumaan na sa lahat ng panahon. And yet somehow, they seem perfect for each other.
Sino ba ang nagbabawal sa isang mas nakatatandang babae na ulitin ang lahat ng karanasan sa piling ng isang mas batang lalaki? Ang mundong mapanghusga ay hindi kailanman magiging masaya kaya maling gawing misyon ang kaligayahan ng iba sa halip na kaligayahan ng sarili.
LETTING GO BUT KEEPING THE MEMORIES
Pero kung minsan, may mga bagay na hindi maiiwasang mangyari. Kung minsan, kailangang pakawalan ang mga bagay na hindi akma. May mga bagay na kahit gaano kasakit ay hinding-hindi natin pipiliin na huwag mangyari. Every experience we have helps create who we are.
If you meet someone you let go in the past, and your heart still yearns for this person, what will you do? What if the person has changed? What if your feelings have not? What if you’re in an environment where you can’t avoid the person at all? What if you realize that letting go was easier back then because you can physically avoid the person? And now you can’t anymore. Hayan lang siya, hindi mo maiwasan.
Gusto mong lapitan pero may pader na sa pagitan ninyong dalawa. All you’re left with are memories, the good ones. After all, the good memories are the silent killers.
If you really think about it, what causes pain more than anything else are the happy memories. Relationships that dragged on for years and years of resentment are easier to move on from.
Siguro, parang brake pad ng sasakyan ang feelings—numinipis, depende sa gamit. Kung ang isang relasyon ay tumatakbo nang maayos, makinis ang daan, walang heavy traffic, hindi siya nakakaskas. Pero kung puro problema ang patakbong relasyon, kung kulang sa maintenance, baka pagtapak mo sa preno hindi na kumagat at sumalpok ka na lang sa kung saan. Wala nang kakapitan ang preno mo, gasgas na masyado. Wala nang kakapitan ang relasyon mo dahil unti-unti nang naubos ang feelings sa sobrang dami ng stress.
But if a person was happy and the relationship had to end somehow, the good memories will remain. And they will float inside your head, telling you that you were once very happy.
SECOND CHANCE
Hindi lahat ng tao ay nagkakaroon ng second chance sa pag-ibig. Most relationships end horribly because it’s human nature to try their best to make something work if they want it so badly, which makes me question if it is indeed smart to exhaust every possible avenue to keep a relationship. Maybe not.
May mga pagkakataon na natapos ang relasyon abruptly.
Kung minsan, kailangan ng growth ng dalawang tao bago sila magkaroon ng pang-unawa sa kung ano ang kaya nilang marating bilang partners.
A relationship without individual growth will always end horribly. Because people need growth—emotionally, intellectually, etc. When there’s growth, there’s peace in a relationship, a silent confidence that actually strengthen two people, because there is no pressure to carry the load for both in every aspect of the relationship; and there’s assurance that whatever happens, one can take some rest because the other can take over, even if only for a while.
This piece was originally written by Vanessa.